GMA Network, wagi ng 10 major award sa 44th Catholic Mass Media Awards
newscatcher
2022-11-08 11:31
GMA Network, wagi ng 10 major award sa 44th Catholic Mass Media Awards
Muling pinatunayan ng GMA Network ang paghahatid nito ng ‘Serbisyo Totoo' matapos manalo ng 10 major award sa 44th Catholic Mass Media Awards o CMMA. Sa ulat sa Unang Balita nitong Martes, sinabing pinakita ng network ang dekalidad na tatak ‘Kapuso' programs sa TV, radio at digital media dahil sa mga nakamit na mga parangal. Sa telebisyon, ang '24 Oras' na CMMA hall of famer na bilang Best Newscast, ay muling kinilala at pinarangalan sa Best Special Event Category para sa komprehensibong pagtutok nito sa pananalasa ng Super Typhoon Odette noong December 2021.

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/content/850732/gma-network-wagi-ng-10-major-award-sa-44th-catholic-mass-media-awards/story/

#gmanetwork
Hide Comments Comments (0)

You must login before you can post a comment.