Nakatanggap ng pagkilala si GMA Network chairman & CEO Atty. Felipe Gozon sa ika-15 na Management Excellence Awards Night sa ika-21 anibersaryo ng magazine na BizNews Asia. Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing kinilala si Atty. Gozon at 36 iba pa bilang mga nangungunang executives sa larangan ng law, business, management, industry, finance at banking. Itinuturing din sila na may malaking ambag at naitulong sa lipunan. Kasama rin sa dumalo sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at naghatid din ng pagbati si First Lady Liza Marcos.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/852991/gma-network-chairman-amp-ceo-atty-felipe-gozon-kinilala-sa-15th-management-excellence-awards-nigh/story/#gmanetwork
You must login before you can post a comment.